ANTAS NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA GRADE 8

  • ACLINEN Z
  • OLESIO M
N/ACitations
Citations of this article
7Readers
Mendeley users who have this article in their library.

Abstract

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga salik na nakakaapekto sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Grade 8 ng Baguio City National High School, Baguio City, para sa taong panuruan 2022-2023. Ang Quasi Experimental method ang gagamitin sa pananaliksik. Sa mga naunang pag-aaral ukol sa kasanayan sa pagbasa, binanggit ang mga pagsubok ng mga guro sa pagtuturo sa panahon ng pandemya, kung gaano kahirap ito, at kung paano mababa ang antas ng propesyonalismo sa pag-unawa sa pagbasa. Sinusuri din ang mga salik na nakaaapekto sa mababang antas ng komprehensiyon ng mga mag-aaral, at inaaral kung aling mga programa ng gobyerno ang dapat suportahan para mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Natuklasan na mababa ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa, lalo na dahil sa epekto ng nakaraang pandemya. Ginamit ang modular na paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa paggamit ng estratehiyang indibidwal na pagkatuto bilang solusyon, lumitaw ang positibong pagbabago sa kakayahan ng mga mag-aaral pagkatapos ng interbensyon. Nakita sa resulta ng post-test ang pag-angat ng mean score ng mga mag-aaral, at napatunayan ng t-test na mayroong malinaw na pagbabago sa pangkat na sumailalim sa pag-aaral. Sa kabuuan, naglunsad ang mananaliksik ng konklusyon na nagpapatunay na epektibo ang estratehiyang sama-samang pagkatuto sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.

Cite

CITATION STYLE

APA

ACLINEN, Z. M., & OLESIO, M. (2023). ANTAS NG KASANAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA GRADE 8. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, 3(12), 319–345. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.024

Register to see more suggestions

Mendeley helps you to discover research relevant for your work.

Already have an account?

Save time finding and organizing research with Mendeley

Sign up for free