Ang pagsusuri sa antas ng komprehensyon sa mga akdang panitikan at akademik perpormans ng mga mag-aaral sa Filipino baitang 7 ng Mahayag National High School, San Miguel, Bohol ang siyang layunin ng pag-aaral na ito. Upang maisakatuparan ang adhikain sa naturang pag-aaral, nilalayong makuha ang: propayl ng mga mag-aaral hinggil sa kasarian at gulang; antas ng komprehensyon sa mga akdang panitikan hinggil sa anim na kognitibong domeyn sa pagkatuto at hinggil sa anim na domeyn sa kasanayang pampagkatuto; antas ng komprehensyon sa mga akdang panitikan; antas ng akademik perpormans sa Filipino; antas ng kaugnayan sa pagkakaiba sa pagitan ng komprehensyon at akademik perpormans; pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae hinggil sa antas ng komrehensyon at akademik perpormans; baryans sa antas ng komprehensyon sa anim na kognitibong domeyn sa pagkatuto hinggil sa anim na domeyn ng kasanayang pampagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay isang kwantitatib at pagsusuri ng dokumento na ginagamitan ng sariling gawang talatanungan na ibinatay sa istandard na paghahanda ng talahanayan ng ispisipikasyon upang mabisang matugunan ang mga kinakailangan datos. Sumasaklaw sa ikalawang aralin ng ikatlong markahan sa Filipino sabaitang 7 ang sariling gawang talatanungan. Nakabatay din ito sa uri ng pananaliksik na Descriptive-Correlation sapagkat naglalayon itong mailarawan at masuri ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa akdang panitikan at upang matasa rin kung ito ba ay mayroong kaugnayan sa akdemik perpormans. At batay sa ginawang masusing pagsusuri, natuklasan ang mga sumusunod: mayroong makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral at akademik perpormans saFilipino sa baitang 7; mayroong makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae hinggil sa antas ng komprehensyon at akademik perpormans; walang makabuluhang baryans sa antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa tatlong uri ng akdang panitikan, ibig sabihin, magkatimbang lamang ang antas ng komprehensyon; mayroong makabuluhang baryans sa antas ng komprehensyon hinggil sa anim na kognitibong domeyn sa pagkatuto; mayroong makabuluhang baryans sa antas ng komprehensyon hinggil sa anim na domeyn ng kasanayang pampagkatuto.
CITATION STYLE
Palma, J. U., & Tubo, T. T. (2019). Komprehensyon Sa Mga Piling Akdang Panitikan at Akademik Perpormans Ng Mga Mag-Aaral Sa Filipino 7 Ng Mahayag National High School, San Miguel, Bohol. ACADEME University of Bohol, Graduate School and Professional Studies, 15(1), 1–27. https://doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.142
Mendeley helps you to discover research relevant for your work.